masaya ko sa buhay ko
dahil nasa akin yung mga bagay na hindi ko hiniling
masayang pamilya, tapat na boyfriend, magandang trabaho,
magandang mukha? at madaming kaibigan.
hindi ako nagugutom, hindi ako nawawalan.
laging busog sa pagpapala at pagmamahal.
walang kontrabida, walang kaaway, laging magaan ang pakiramdam.
kaya nga nasasabi kong masaya lang
masaya na ko na ganito. masaya na ko at wala nang mahihiling pa
kaya lang parang natatakot ako. kinakabahan? ewan...
pano pag nawala ang lahat ng ito?
magiging masaya pa kaya ako?
masaya ko dahil maraming bagay na nagpapasaya saken.
madaming dahilan para maging masaya.
pero pano pag naubos ang mga dahilan?
narealize ko lng.. buti pa yung iba, masaya sila
kahit wala sa kanila yung mga bagay na meron ako
kahit maraming kulang sa buhay nila.
masaya sila kahit walang dahilan.
sana ganon din ako..maglalaho ang lahat ng meron ako.
dadating ang panahon, lilipas ang lahat ng ito.
mawawala lahat ng nagpapasaya sakin.
pero may isang mananatili...
...at si Lord yun.
siya ang makakapagpuno sa lahat ng kulang,
ang nagiisang hindi magbabago at hindi mangiiwan...
ang makapagbibigay ng tunay
at walang katapusang kaligayahan.
salamat Lord..
sa pagpapaalalang ikaw ang aking kagalakan. :D
<3 uLang :)